Biglang Liko

Nagsiksikan ang dalawa sa loob ng tricycle upang bahagyang makaiwas sa malakas na hangin. Hindi nila naiwasan na magkadikit ang kanilang mga katawan dahil sa matinding ginaw. At dahil doon ay nagkaroon sila ng ideya na magyakap upang makaamot ng init mula sa kani-kanilang katawan. Hindi imposibleng isang lalaki at isang babae na magkatabi sa loob ng tricycle na parehong halos hubad na ay kapwa matukso sa isa’t isa. Huli na nang matagpuan nila ang kanilang mga sarili na magkayakap habang naghahalikan. Walang anumang pagtutol na narinig si Biboy mula sa bibig ni Len nang angatin nito ang bra ng dalaga sabay himas sa malulusog na dibdib nito. Naghatid iyon ng kakaibang init sa katawan ng dalaga. Magkahalong kiliti at init na tumatagos hanggang sa kanyang mga buto.

Gumanti ng halik si Len. Mas malagkit at mainit. Dahil nagpapaubaya na si Len, sinamantala na nang husto ni Biboy ang pagkakataon. Ang kaninang malumanay na paghimas ng binata sa magkabilang dibdib ni Len ay naging lamas at lamutak na. Gumagapang na rin ang kaliwang kamay ng binata patungo sa dakong ibaba. Pumasok ang pangahas na kamay sa loob ng garter ng panty ni Len at saka pinakialaman ang mahabang hiwa doon. Napapikit si Len.

Sabik na hinintay ang iba pang gagawin ng binata. Patuloy ang malakas na pagbuhos ng ulan at haplit ng hangin. Ang lamig na hatid ng pagsusungit ng panahon ay hindi na nararamdaman ng dalawa. Magkahugpong na kasi ang kanilang mga katawan at ang init na dulot niyon ay sapat na upang matanggal ang kanina lamang ay nararamdaman nilang ginaw. Madaling araw na nang huminto ang ulan. Kasabay niyon ang paghupa ng init ng kanilang mga katawan. Ang sumunod na eksena ay ang pamamanhikan at ang pag-uusap sa kanilang mga susunod na plano. Makalipas ang isang buwan ay ikinasalang dalawa.

Nangupahan ng apartment sina Biboy at Len. Naging maayos at Masaya naman ang kanilang relasyon sa unang apat na buwan ng kanilang pagsasama. Hindi inaakala ni Biboy na masusuong siya sa pinakamalaking problema sa kanyang buhay nang masangkot sa kanilang relasyon ang dati niyang kaibigan na si Kay. Nagkita kasi sila noong minsang namamasada si Biboy at natukso ang dalawa na gawin ang isang bagay na lagpas na sa kanilang pagkakaibigan. Ang masama ay nabisto ni Len ang kanilang relasyon. Hinuli niya sa akto ang dalawa at nagkrus ang landas nina Kay at Len. Huli sina Biboy at Kay habang magkapatong na nagtatalik sa loob ng isang silid sa motel na iyon. Lumayo na lamang si Kay. Nag-abroad siya upang makalimot at magkaroon ng katahimikan ang pagsasama nina Biboy at Len.

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top