Ginto sa Putikan

Inalalayan nito ang binata patayo. “Tatang Bert ako na po ang bahala kay Jojo.” Ang sabi ni Daisy. “Ay sige iha at pagpalitin mo na rin ng damit ang taong iyan. Ku eh mukhang naligo yata sa ulan.” Ang sabi ng matanda habang paalis na ito at pumasok sa bahay niya. Inalalayan ng dalaga ang binata papasok sa bahay. Kumuha ito ng tuwalya at damit na gamit ng ama nito. “Eto o gamitin mo muna ang kay Daddy.” Ang parang natatawa pang sabi sa binata. “Opo, Mommy.” Ang sagot ng binata. Habang tinungo ang banyo ng medyo paika. Lalong nangiti ang dalaga. Nagpainit ito ng tubig at pinagtimpla ng kape si Jojo. Naghain na rin ito ng pagkain. Paglabas ng banyo ni Jojo ay lalong natawa ang dalaga sa nakita.

Eh ang short ng daddy niya ay maiksi kay Jojo. T-shirt pa ng Mommy ni Daisy ang nakuha nito. Di naman napansin ng binata ito kaya’t huli na. Napatingin si Jojo sa may salamin na malaki sa may pinto ng banyo. Tumawa na rin ito sa nakita. Ganito pala ang porma ni Jojo kung sakaling maging ba**ing siya. Inalalayan muli ni Daisy papunta sa may hapag kainan ang binata. Di mo rin maaalis sa binata ng humawak ito sa balikat ni Daisy. Eh nakatube lang ang dalaga. Tuloy may kaibang naramdaman si Jojo. Ang kinis ng balikat ni Daisy. Nandoon pa na madalas magkiskisan ang kanilang tuhod.

Medyo pumalag si manoy. Dasal ng binata na wag sana itong mapansin ng dalaga. Sa kainan ay nag-usap na ang dalawa. “Ano ba ang ginagawa mo at umakyat ka daw ng puno?” ang tanong ni Daisy. Di makasagot ang binata. Iniba nito ang subject. “Wala ka yatang kasama dito ah?” ang tanong nito. “Ah sila Daddy, Mommy at Boyet ay pumunta kila Tita Mariz. Kapatid ni Mommy. Doon daw sila matutulog ngayon at dumating ang ibang kapatid ni Mommy. Di na ko sumama sa kanila kasi medyo masama ang pakiramdam ko eh.” Ang sabi ni Daisy.

Natandaan nga pala ni Jojo na Sabado ngayon. Tinitigan niya ang mukha ni Daisy na parang naghahanap ng tunay na kasagutan. “Alam ko na kung bakit masama ang pakiramdam mo no.” ang sabi nito sa dalaga. Napatingin ang dalaga sa binata. “Dahilan?” ang sabi nito. “Opo no.” sagot naman ng binata. Ang dalaga naman ang tumitig kay Jojo. “Nakita ko po kayong nag-away ni Charles kanina.” Ang muling sabi ng binata. “Away ni Charles?” ang sabi ni Daisy. “Pero wag kang mag-alala. Naganti na kita doon sa hambog na yon.” Ang sagot muli ni Jojo. “GINANTI?” ang medyo malakas na sabi ni Daisy. “JOJO, ANONG GINAWA MO KAY CHARLES?” Napatayo ito at tumungo sa may sala. Medyo may lungkot na naramdaman ang binata sa dibdib niya.

“Mahal nga niya si Charles.” Ang nasa isip nito. Malungkot ang binatang tumayo upang sundan si Daisy. Nasa may phone na ito at tila may kausap, si Charles. Lalo yatang sumakit ang likod ni Jojo dahil sa inasal ni Daisy. Ang phone ay nakalagay sa lamesita sa tabi ng hagdan. Umupo si Jojo sa sofa sa tabi ng dalaga. “Hey I’m sorry nga pala.” Ang narinig ni Jojong sinabi ni Daisy. “I’ll take care of everything promise, opo ipagtatapat ko na ang lahat.” Ang sabi ni Daisy sa phone. “This instant na nga no. Wag ka ng mabahala leave everything to me and I’m truly sorry ulit. Okay take care na lang and see you Monday.” At binaba na nito ang phone. Medyo may iniisp si Daisy na malalim. “Daisy, I think I have to go na.” Ang mahinang sabi ng binata. “And I’m very sorry sa nagawa ko kay Charles.” Di pa rin pinapansin ng dalaga ang binata.

“Kasi naman sinabihan ko na siyang wag kang sasaktan at paiiyakin eh.” Ang sabi muli ni Jojo. “Kasi … kasi … mahal kita eh, I love you very much” Ang pabulong halos na sabi ng binata. Nagsumikap na tumayo ang binata. “What?, What did you just said?” ang tanong ni Daisy. Nakatayo na ang binata at nakatungo ang ulo. “You what? Jojo.” Ang muling sabi ni Daisy. “Can you repeat what you just said?” Matagal bago nakasagot ang binata. Tanging ang ulan sa labas ng bahay ang maririnig mo.

Magsimulang mamula ang mukha ni Jojo. Nahihiya o nagagalit sa sarili dahil di maipahiwatig sa kinababata ang tunay na nararamdaman. Limang minutong silencio. Sa wakas ay muling nagkalakas ng loob ang binata. Di niya malaman kung saan ito nanggaling ngunit pagkatapos huminga ng malalim ay “I LOVE YOU, OKAY.” Ang medyo pasigaw na sabi niya. Matagal na katahimikan muli. “You love me?” ang mahinang sagot ni Daisy. Nagsisimulang tumulo ang luha sa mga mata nito. “You love me, Jojo. Since When did you love me?” At tuluyan ng umiyak ang dalaga. Di malaman ni Jojo kung lalapitan ang dalaga. Ikukulong ba niya ito sa kanyang mga bisig. Papaliguan ng halik upang tumigil sa pag-iyak.

Comments

Scroll To Top