Ginto sa Putikan
Siyempre ang pinakamagandang mangyari ay ang bestfriend mo ang magiging balae mo. Di man alam ang buong pangyayari ay ramdam na ng mommy ni Daisy na ganoon na ang magiging sitwasyon. Magtatagal pa sana ito sa pakikipagkuwentuhan sa kanyang kaibigan pero narinig niya ang mga sigaw ni Daisy. Takbo paakyat ito sa taas, sa kuwarto ni Daisy. Pagpasok dito ay nakita na lang niya si Jojo plakdang nakahiga sa sahig. Nakayakap si Daisy rito at umiiyak. Ang Daddy naman ng dalaga ay talagang galit. Siyempre babae ang kaniyang anak. Unang nasa isip nito ay inaagrabiyado ito. Sumali na rin sa pag-awat ang Mommy ni Daisy. Hinatak niya ang esposo niya palabas sa kuwarto. Naiwan sa kuwarto sina Jojo at Daisy.
Hinahaplos ni Daisy ang mukha ng binata, umiiyak pa rin. “Jojo, huhuhu … Hoy Jojo … Gising.” Ang wika nito habang hinahaplos ang mukha ng binata. Medyo bumukas ang mga mata ng binata, duling. Sa tindi ba naman ng suntok nang Daddy ni Daisy eh. Nandoon pa sa mga sitwasyon na di natin maipaliwanag. Ang mga tao ay biglang lumalakas pag sila ay galit. Mayroon diyan nadadaganan ng mabigat. Sa una ay di nila ito mabuhat pero pagsumipa na ang adrenalin nabubuhat nila ito. Ganoon din ang nangyari sa Daddy ni Daisy. Kaya naduleng sa hilo ang binata. Pero kahit ito ay wala pa sa tamang tino ay nakapagsalita pa ito. “Tito Juunn … Mahal ko phoo si Daisy at hanndangg pakassalann kaahit saann simmbaahan.” Pero di alam ni Jojo na wala na doon ang daddy ng dalaga.
Laking tuwa ni Daisy. Di lang dahil sa sinabi nang binata kasama na rito na okay si Jojo at nakuha pang magsalita. Di naman nagtagal ay dumating ang mga magulang din ni Jojo. Malamig na ang ulo ng daddy ni Daisy. Dinala muna sa doctor si Jojo dahil na dislocated ang jaw nito. Pagdating ng gabi ay nagsalo-salo ang dalawang pamilya sa bahay nila Daisy. Pamanhikan na rin ito ng binata. Di masyadong nakakain si Jojo kahit na nakahain ang paborito nitong Kare-kare na luto ng mommy ni Daisy. Napagkasunduan nang mga magulang ng dalawa na pagkagraduate ay ikakasal na silang dalawa. Isang semester na lang naman ang dalawa eh.
Ganoon nga sana ang plano eh may nangyaring di inaasahan. Before sila makagraduate ay nalaman positive si Daisy. Naks naman. Ang bangis talaga ng katas ni Jojo. Lahing marino. Kaya nga eto ngayon ang binata. Nagmamadali at isasakal, este ikakasal na siya. Di naman late ang binata. Buti na lang at nauna siya kaysa kay Daisy. Kasabihan kasi nang matatanda na dapat lalaki ang una sa simbahan kundi, Andres ang labas nang lalaki. Ipinarada ang kotse at tumuloy na ito sa simbahan. Naroroon na ang mga magulang nila at ang bridal car na lang ang hinihintay. Nandoon din ang best man nila na si Charles, o best woman.
Kahit na ano pa man siya kaibigan na rin nito si Jojo. Nandoon din si Nicole. Maid of honor nila. Humalik pa nga ito sa pisngi ni Jojo at kinonggratulate. Maya-maya ay may pumaradang skyblueng Chedeng. Bumaba mula dito si Aling Yvonne. Hay nako Sexy pa rin ito. Kasama nito yong kumabit sa kanya. Asawa na niya pre. Nakipaghiwalay sa asawa. Ninang nga pala kasi si Aling Yvonne. Sa paghihintay ay may dumating pa na di inaakala ni Jojo na darating. Galing mong manghula pre, Si Mam Peachy at Jasmine. Kasama ang mga esposo nila.
Grabe ang sesexy pa rin nang dalawa kahit nagkaanak na. Medyo nangingiti si Jojo sa kasal niyang ito. Parang reunion ng lahat ng babaeng naging espesyal sa kaniyang buhay. Si Aling Yvonne ang unang gumising at nagpalasap kay Jojo. Sina Peachy at Jasmine, nagmulat kay Jojo na enjoyin ang buhay at di kailangan magkaroon ng mga hang-ups sa buhay. Magpakatotoo, Gawin ang gusto at makipagsapalaran. Si Nicole, akala ni Jojo na ito na ang makakapalit kay Daisy. Pero iba talaga ang tunay na pagmamahal. Ngiti ng kasayahan. Tuloy parang kumikislap ito.
Umaangat ba sa iba. Madaling mapansin at masasabing siya ang ikakasal. Natigil lang ang pag-iisip ni Jojo ng sa wakas dumating na ang bridal Car. Pumarada ito sa harap ng simbahan. Pagbukas ng pinto ay para ito kumikinang na bumaba. Inalayan ni Charles. Medyo mataba ito dahil na rin sa buntis nga. Pero magaling ang pagkakagawa ng gown. Di halata ang malaking tyan ni Daisy. Tatlong buwan. Di pa ba yon malaki. Bakas sa mukha ni Daisy ang kaligayahan. Kahit may mga luha ito sa mga mata ay alam mo na ito ay sa tuwa.
Tumingin ang dalaga kay Jojo, at buong tamis na ngumiti. Pinapasok na rin ang lahat para mag-umpisa na. Medyo late na at naghihintay na ang pari. Pumuwesto si Jojo sa may harap kasama ang magulang. Nag-umpisa na ang marcha. Muling nangiti si Jojo. Marcha ng buhay niya. Si Aling Yvonne ang Ninang, Si Nicole ang nakaraan. Pati Sila Peachy at Jasmine na nakaupo sa may gilid. Pinanood ang wedding march. At sa wakas ang kanyang pangarap at kinabukasan. Si Daisy. Ang tunay na tinitibok ng kanyang puso kahit na ano pa ang nakaraan nito. Si Daisy ang Ginto ni Jojo na galing sa putikan. Lilinisin at pakikinangin ng kanyang pagmamahal.
What did you think of this story??
Comments