Tatlong Masarap

Pag sapit ng lunes at ng sunduin ko si Ruth sa kanilang bahay ay ang nagulat ako ng sabihin ng kanyang mommy na umalis at nauna ng pumasok si Ruth dahil nagpasundo siya kay Noel..

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nang dumating ako sa office namin ay nakita kong magkausap silang dalawa at parehong masaya. Binati ko silang dalawa at tanging si Noel lang ang mga ito at nagresponse.

Kaya pumunta na ako sa aking puwesto na talagang hinang hina dahil inakala kong galit sa akin si Ruth. Lumipas ang ilang araw ay nagging malamig na sa akin si Ruth. Hindi na siya sumasabay sa akin at hatid sundo na siya ni Noel.

Halos isang buwan na ang nakalipas at ako na rin mismo ang mga ito gumagawa ng paraan para umiwas sa kanilang dalawa at tuwing ang niyayaya ako ni Noel gumimik.

Isang ganap na commercial model na si Ruth dahil napapanood ko na sa TV ang kanyang mga commercial.Part time work na niya ito. Hanggang isang araw ng nasa pasig area ako galing C5 at pagsapit ko ng shaw boulevard ay napansin ko ang car ni Noel.

Medyo traffic kaya natutukan ko sila laking gulat ko ng pagsapit namin sa may area ng mga motel ay kumanan sila at pumasok sila duon.Hindi ko malaman ang gagawin ko sa sobrang selos..para bang gusto kong sumigaw ..umiyak..o mag wala sa gitna ng kalsada.

Alam kong wala akong karapatang magselos pero marahil dahil mahal na mahal ko talaga si Ruth kung kaya’t nagkakaganito ako. Kinagabihan ay duon nagsimula ang palagi kong paglalasing.

Hindi ako pumapasok sa opisina at lagi na lang akong mag isang gumigimik. Pilit kong inaaliw ang aking sarili upang makalimutan si Ruth.

Ngunit isang gabi ng sa libis naman ako nagpunta ay may nakita akong di inaasahan. Sa una ay parang namamalikmata lang ako pero nang lapitan ko ay si Ruth.Hinanap ko si Noel kung nasaan.

Sinabi niya na wala siyang kasama at nag iisa lang din siya at ito ay ang tinanong ko siya kung pede ba akong maki join sa table niya.

Tumango lang siya at napansin ko rin na nakakailang glass na siya ng hard drinks Muli ko siyang tinanong kung may problema ba siya.. At duon nagsimula siyang maluha kayat dali dali ko siyang tinabihan.

Isinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat at patuloy na ito ay umiyak. Medyo marami ang nakakapansin sa amin dahil kilala na talaga si Ruth.

Tinanong ko siya kung gusto niyang umalis kami sa lugar na iyon dahil pinagtitinginan na kami. Pumayag siya at pagkatapos ang mabayaran ang bill ay agad ko siyang inalalayan papunta sa aking sasakyan.

May tama na si Ruth at mabuti na lang at ako ang nakakita sa kanya kundi ay malamang mapapahamak ito dahil lasing na talaga siya.

Habang nasa kotse ay di pa rin tumatahan si Ruth at marahil pati ang langit ay nakikidalamhati sa kanya kung ano man ang kanyang problema ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

 

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top