Mga Libog Ng Nakaraan

Mga Libog Ng Nakaraan
 
Shit! tanghali na pala” namutawi sa bibig ni Andre pagkamulat at pagkamulat pa lang ng mga mata. Dali dali siyang naghanda para sa pagpasok sa opisina. Ngayon pa naman ang araw na kung saan ay nakatakdang ganapin ng kanilang departamento ang isang munting welcome party na nakalaan para sa kanilang bagong boss. Mula Pasig hanggang Makati na kung saan naroon ang kanilang kumpanya ay halos dalawangpung minuto lamang niya biniyahe gamit ang motorsiklo.

“Shit, kung kailan ka naman nagmamadali saka wala pang available na elevator, buwisit talaga” panggigigil niya. Makalipas pa ang higit limang minuto ay may bumukas ng elevator, agad niyang pinindot ang numero ng palapag na kung saan naroon ang opisina nila. Pasara na ang pinto ng may humabol na isang babae, “hay naku doble malas talaga,nagmamadali ka na may hahabol pa” naglalarong pagkabanas sa isip ni
Andre.

Lukot ang mukha na tinapunan niya ng tingin ang humabol na babae, hindi pamilyar sa kanya ang itsura. “Siguro kliyente” sa loob loob ni Andre.Pero ang itsura na rin ito ang naging dahilan para mas suriin pa niya ng maigi ang kasama sa elevator.

Matangkad at maputi ang babae, hindi kayang itago ng kasuotan ang hubog ng katawan. Kung hindi lamang pang opisina ang kanyang kasuotan ay mapagkakamalan mo na isang modelo lalo na’t parang sa isang commercial model ng shampoo ang mahaba, makintab at tuwid na tuwid na itim na buhok. Waring napahiya si Andre ng biglang lumingon sa gawi niya ang babae. Agad binawi niya ang tingin ngunit sa sulok ng kanyang mata ay nakita niya ang pagguhit ng isang napakatamis na ngiti mula sa labi ng babae kung kaya’t awtomatikong bumaling muli ang mata niya sa babae upang suklian din ng ngiti.

“Hi!” bati ni Andre sabay extend ng kamay, hindi naman siya napahiya agad din itong inabot na babae. Sa saglit na pagkadaraop ng kanilang mga palad ay kapwa biglang may mga kuryenteng dumaloy sa buong katawan nila. “I’m Lyka …. Lyka Sanchez” pakilala ng babae. “I’m Andre Martinez pakilala naman niya habang hindi pa din niya binibitawan ang malambot na palad ng babae.

Nakahalata si Andre na medyo nag aalangan na si Lyka sa medyo may katagalan na din pagkakahawak kamay ay agad na niyang binitawan na ang kamay ng dalaga na kapwa sila parang napapahiya sa isa’t isa. Walang maapuhap na paksa si Andre, nanatiling naka umid ang kanyang dila.Habang si Lyka ay nakikiramdam lamang sa binatang kasama niya. Nabighani si Andre sa ganda ng dalaga kasabay nito ay unti unting nararamdaman niya ang pamumukol ng alaga sa pagitan ng hita, agad niyang itinago ito sa hawak hawak na porpolyo. Mahirap na dahil baka mapuna ng dalaga at maging kahiya hiya pa siya dito.

Maya maya pa ay umusad na paitaas ang Elevator, kapwa nagpapakiramdaman ang bawat isa. Nagkasya na lamang sila sa simpleng patingin tingin at kapag nagkakahulihan ng mata ay kapwa mg matatamis na ngiti ang ibinabato nila sa isa’t isa. Sa isang hindi inaasahang pangyayari ay biglang tumigil ang pag usad ng elevetor kasunod nito ay ang pagpapatay patay sindi ng ilaw hanggang sa tuluyang dumilim ang kapaligiran. Napatili si Lyka at awtomatikong napahawak sa braso ni Andre, bunga ng pagkatakot sa dilim.

Comments

Scroll To Top