Ang Tamis Ng Hiyas

Ang Tamis Ng Hiyas

Pareho kong naipasa ang entrance exams sa Mapua at UST. Pinili ko ang UST kasi balita ko nga maraming magagandang chics na ang nag-aaral doon. Sa dating boarding house ni Ate Ellen ako tumira. Hindi na nagpapa-board ang me ari pero dahil maganda naman ang record nina Ate Ellen at Celina ay naipakiusap na doon ako tumira.

Ang bahay ay pag-aari ng mag-asawang Poldo at Lagring na nasa ang Felix Huertas sa Sta. Cruz, Manila. Bale apartment lang ito na may 2 kwarto sa itaas at ang sala nila bale ay nasa ibaba. 4 ang anak ng mag-asawa, 3 babae at ang bunso ay lalaki.

Ang panganay ay si Thelma na medyo may kaliitan, siguro ay 5 feet lang, morena pero ang hubog ng katawan ay tama lang sa kanyang taas. Siguro ay 20 years old na siya pero irregular 3rd year commerce pa lang siya sa Arellano University dahil may kahinaan siya school.

Si Millet ang sumunod ay 18 years old at 2nd year naman ng BSE sa Philippine Norrmal University. Siya ang pinakamaganda sa magkakapatid at may kataasan din ang height na siguro ay aabot ng 5 feet 3 inches. Kaya lang ay medyo may pagka-suplada ang dating niya. Maganda ang hubog ng katawan niya na halatang malalaki ang boobs.

Ang sumunod ay si Fe na 3rd year high school naman sa FEU Chubby naman ito, mahaba ang buhok at ewan pero lagi siyang pinasasayaw ng ‘hula’ ng Nanay niya lalo na pag pag may bisita sila.

Gustong-gusto naman ni Fe na magsayaw – siguro ay hilig niya ang maging dancer. Ang bunso ay lalaki nga at Bernard ang pangalan, 10 years old lang at nag-aaral sa Espiritu Santo Parochial School sa Blumentritt.

Si Tata Poldo ay nagtra-trabaho sa Wise and Company sa Pasig at napag-alaman kong ito ay kumpanya na gumagawa ng mga plastic. Hindi ko lang alam kung ano ang trabaho niya doon. Si Nana Lagring naman ay nagba-buy-and-sell ng kung anu-ano, TV, ref, mga alahas pati na rin lupa at bahay.

May pagka-mataray si Nana Lagring kaya ilag ako sa kanya. Pero nakuha ko rin ang loob niya nang maikwento niya sa akin na kung di namatay ang panganay nilang anak na lalaki ay ka-edad ko raw iyon. Blue baby pala si Jun na anak nila at umabot lang ng 7 years old.

Nangingilid pa ang luha niya habang nagkukwento sa akin nang kaming 2 lang ang naiwan sa bahay minsan. Sabi ko naman sa kanya ay pwede naman kako niya akong ituring na anak din kung gusto niya. Nangiti siya at mula noon ay parang nawala ang pagiging ilag ko sa kanya.

Pang-umaga ang kinuha kong class schedule para may time akong mag-aral sa hapon hanggang gabi. Nilalakad ko lang ang UST kasi ay magda-2 sakay pa ako kung ako ay sasakay sa jeep. Tinatawid ko lang ang Laong-laan galing sa Felix Huertas papuntahang P. Noval at nasa UST na ako.

Sa bahay ay ibinigay nila sa akin ang isang kwarto. Ako lang ang natutulog doon kasi pati si Bernard ay doon natutulog sa kwarto ng mga kapatid niya. May 2 double-decker at doon sila nahihiga. Sina Tata Poldo at Nana Lagring ay sa ibaba naman natutulog sa isang malapad na folding bed na naifo-fold pag araw.

Comments

Scroll To Top