Binibining Ganda

Binibining Ganda

Hindi ako makapaniwala na nakakuha ang ng ticket sa red carpet ng palabas sa Hollywood noong ako ay nanalo sa sweepstake. Nakakabaliw ito, Nag pa booked ako ng flight at bumili ng mamahaling suit para makapaghanda sa palabas na ito. Ang palabas ay isang pinag kagastusan palabas na ang bida ay si Jessica Biel . Hindi lang ito basta magandang palabas. Ang pinakamasarap sa pakiramdam pa ay naka tabi ko si Jessica Biel.

At dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko at ito na nga iyon, nakatanggap ako ng tawag na ako ay sasakay sa isang limosin at mag aantay saakinpag labas ko ng paliparan. Sumakay ako ng eroplano suot ang aking magarang kasuotan galing sa aking napanalunan. Nenerbyos ako ng araw na ito dahil ang mga artista ay siguradong nakakalat lahat.

Syempre kaylangan kong umarte ng normal sa paningin ng mga tao lalo na at siguradong mapapaligiran ako ng mga artista roon. At dumating na nga ang araw ng paglabas. Nakita ko siya na napakaganda at talagang nakakabighani. Nagulat ako sa kanyang taglay na kagandahan iba pala talaga sa personal. Talagang ma iinlove ka sa kanyang mukha at ganda ng hubog ng kanyang katawan.

Habang papunta kami sa naturang lugar na pag dadausan ay nakapanayam ko siya ng kaunti at nakausap. Napakasarap niyang kausap at napakasimpleng tao lamang. Habang kinakausap ko siya ay doon ko nakita na siya ay totoong tao talaga. Noong bumaba kami ng sasakyan, kasabay ko siyang naglakad patungo sa kanyang kwarto at habang siya ay nag lalakad ay hindi ko maiwasang siya ay pag ka titigan simula ulo hanggang paa.

Ang kanyang damit ay bagay na bagay sakanyang mala porselanang kutis at habangang tinititigan ko siya ay bigla siyang napatingin sa akin at nagulat ako at binati nya rin ang aking kasuotan. Nakikita ko rin na natetensyon siya habang ako ay binabati niya. Ngunit sa kabilang dako ay ang hindi niya alam ay ako ay tension din sakanyang itsura habang ako ay kinakausap niya.

Siya ay tunay na nakapagandang nilalang sa kanyang suot na dress at dangling earings at heels. Hindi ko maawat ang aking sarili sa pag kabighani sakanya. Sa mismong lugar na pag dadaausan ng premier night ay biglang dumami ang kamera na kumukuha sa kanya. Hindi mag kamayaw ang mga litratista sa kanya at hindi maialis ang kamera sakanya.

Noong dumating na kami sa aming upuan ay pinalakpakan siya ng mga tao at kitang-kita mo sa mukha ng mga tao ang pag ka belib sa kanyang taglay na kagandahan at alindog ng katawan. Hindi maialis ang tingin sakanya ng mga taong naroroon. Pagkatapos ng palabas ay may kaunting salo-salo, doon ay nabigyan ako ng pagkakataon muli na makakwentuhan siya.

Nagkaroon kami ng konting biruan at tawanan sa naturang after party at lahat ng tao roon ay talagang napakasaya. Dumadag dag pa rito ang napapaligiran kami ng mga sikat na tao.Mga ilang minuto pa ang lumipas habang kami ay nag uusap ay bigla niyang nasambit na kung pwede ko ba siyang isayaw at hindi ako nag dalawang isip na isayaw nga siya.

Kahit sinabe ko sakanya na ako ay hindi marunong sumayaw ay ipinilit pa rin niya na ako ay gusto niyang makasayaw.Habang kami ay sumasayaw na ay hindi ako nakakapag pigil na titigan siya dahil hindi ka talaga mag kamayaw sa kanyang kagandahan. Habang tumatagal ang aming pag sasayaw at dumadami na ang tugtog na lumipas ay palit na siya ng palapit sa aking katawan na para bang kami ay matagal ng mag kakilala.

Comments

Scroll To Top