Bugso Ng Init 4

Sumakay kami ng taxi pauwi sa kanila, pero di na ako pinababa ng malapit na sa kanila. Ginawaran lang niya ulit ako ng isang halik sa labi tapos umalis na. Ako naman ay nagpahatid na sa amin, pagkadating ko sa bahay ay diretso agad ako sa kwarto at natulog na, may praktis pa kami mamayang hapon.

Pagdating ng hapon, punta na ako sa eskwelahan, nadatnan ko na ang mga kateam-mate ko dun medyo late ako ng dating, may policy kasi si Coach na pag nalate ka ng dating sa praktis ay kailangan mo ikutin ang track and field oval ng mga 20 minutes jogging so pumunta na agad ako sa field para magjogging.

Medyo malamig ang simoy ng hangin ng hapong iyon kaya ok lang na ang tumakbo sa track, nakakalimang ikot pa lang ako sa oval ng may mapansin ako na may sumusunod sa akin, Si Eva Eusebio, muse ng eskwelahan, pambato sa timpalak kagandahan.

Ilan beses na rin na nanalo sa mga pageant sa aming lalawigan at medyo morena, may pag kaso at ito ang  pistikadang mukha, kahawig nga ni Angelina Jolie “Peter” tawag niya sa akin “Hintay lang” ang at Binagalan ko ang takbo, “Ikaw pala, Eva” ng nagkasabay na kami sa pagtakbo, “Paano mo ako nakilala” tanong niya. “Bago pa lang ako mag-enrol sa eskwelahan na eto kilala na kita, kasi nakikita na kita.

Nafeature ka na di ba sa isang popular newspaper?, Ikaw paano mo nalaman ang pangalan ko” sabi ko “Nanood kasi ako ng first game niyo, Ang galing mo palang magshoot ng bola at ang tibay ng katawan mo sa depensa.

Swerte lang siguro ako nung time na yun” mahiyaing sabi ko “Kailangan ko rin kasi magpakitang-gilas dahil sa bago pa lang ako sa team, Mahilig ka rin palang magjogging” sunod na sabi ko “Ah oo,para mamaintain ang figure, sa umaga kasi tinatamad ako bumangon kaya pag ganitong medyo pahapon na ako nagjojogging pagkatapos ng class namin”

Mga ilang ikot pa at nagpahinga muna siya, ako naman ay tuloy lang sa pagtakbo, kahit walang nakatingin sa akin ay kailangan ko rin sundin ang disiplinang pinapairal ni Coach sa amin, akala ko ay aalis na si Eva pero napansin ko na parang may hinihintay siya.

Itutuloy…

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top