Gimik Lamang 1

Ngunit naisip niya na parang ok lang sa dalaga kaya dali-dali niyang hinubad ang kanyang pang-itaas at ito ay  nagwo-workout ka ba? narinig niya kay Mae.

Hindi, sagot niya habang sinusuot ang damit na bigay ng dalaga. Bakit? Ganda kasi ng katawan mo, tila nahihiyang tugon ni Mae. Ngek! napangiti siya sa sinabi ng dalaga, hindi naman ah, payat ko nga eh.

Payat na malaman siguro puwede pa. He he he. Napatawa na rin ang mga dalaga at palihim niya itong tinignan. Ang ganda m talaga, Mae, sa isip niya. Ay oo nga pala, sambit ni Mae, doon ka na matulog sa isang room sa itaas.

Hindi naman kasi nagagamit ‘yon. Naku, wag na, Mae at nakakahiya naman. Dito na lang ako sa sofa. Ano ka ba, pagtutol ng dalag, mas maganda don sa taas. Wag ka na mahiya.

Tinulungan niya si Mae sa pag-ayos sa tutulugan niyang silid at dati iyong silid ng nanay ng dalaga, na kasalukuyang nagtatrabaho sa London. Malaki ang kama, kasyang-kasya ang tatlong tao.

Sa tabi niyon ay isang table drawer at sa ibabaw nito ay ang family picture nina Mae. Kita niya na maganda din ang ate ng dalaga na nagtatrabaho sa Cebu. Matapos silang mag-ayos ay nagkuwentohan muna sila.

 

Itutuloy…

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top