Lakas Alindog

Biglang nagdilim ang paligid at nakakita ako ng mga bituin nang dumapo ang mga palad ni Ma’am Leah sa aking mukha. “Sinungaling! Magnanakaw ka! Magnanakaw ka! Um! Um! Um!” galit na galit na sabi ni Ma’am Leah sa akin habang pinagsasampal ako.

Pakiramdam ko ay parang nilagyan ng sili ang buong mukha ko

Pakiramdam ko ay parang nilagyan ng sili ang buong mukha ko dahil sa sobrang hapdi. Dahil sa pangyayaring iyon ay naubos na ang aking pasensya. Biglang umusbong ang matinding galit ko dahil sa labis na pang-aapi ng aking mga amo.

Pakiwari ko sa aking sarili ay hindi na makatao ang ginagawa nila sa akin. Kumuha ako ng lakas mula sa aking katawan at pinakawalan ko ang kanan kong kamao sa sikmura ni Ma’am Leah.

Sinundan pa iyon ng kaliwa kong kamao at kasunod niyon ay bumulagta si Ma’am Leah sa sahig na walang malay. Tila demonyo na ako nang mga oras na iyon. Kaagad kong sinara ang pinto ng kuwarto ni Ma’am Leah at ni-lock ko ito para walang sinuman ang makakapasok. Wala siyang malay habang nakabulagta sa sahig.

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top