May Pagnanasa 2

Hindi naman makapaniwala si Adonis at masaya nitong niyakap si Emily at pinakilala ni Emily ang batang babae sa kanya. Kung saan ang tanong ni Adonis ay, “Anak ninyo?” “Anak natin.” bulong ni Emily. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Adonis sa narinig.

Sinabi ni Emily na talagang at papauwi na sila nuon sa probinsiya dahil nalipat ng assignment ang asawa niya at sinabi nito na hindi na siya nakapag-paalam kay Adonis dahil hindi niya alam kung sasabihin ba dito na buntis siya. Minabuti na lang niya na mawala ng tahimik kesa maapektuhan pa ang binata.

Sinabi ni Emily na hindi alam ng asawa niya na anak niya kay Adonis ang bata at mahal na mahal ng asawa niya ito kaya walang dapat ipagbahala ang binata. Sinabi din niya na, “Balang araw ilalapit ko rin siya sa iyo.

Pero sa ngayon, umpisahan mo ang pagtayo ng magandang buhay para sa iyo at sa magiging pamilya mo.” Hindi nalimutan ni Adonis ang mga sinabi ni Emily. Kahit nung nasa abroad na siya ay lagi niyang iniisip ang nakaraan nilang dalawa. Tama ang ginawa ni Emily.

Kung sinabi siguro nito sa kanya na nagbunga ang ginawa nila bago ito nawala ay baka nag-iba ang mga direksyon ng buhay niya. Baka hindi niya makontrol ang emosyon niya at baka hindi rin siya nakatapos. Hindi man sinabi ni Emily.

Minahal siya nito ay parang sinabi na rin sa kanyang mahal siya dahil inisip din nito ang kapakanan niya. Ngunit kay Adonis ay walang kaduda-duda, na si Emily ang unang pag-ibig niya at hindi niya ito malilimutan kahit kailan.

Wakas!

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top