Minsan Lang Naman

Nagbabasa na ng newspaper si Ryan habang hinihigop ang mainit na kape sa balcony ng tinutuluyan nilang condominium unit nang biglang lapitan siya ni Ace. Ikinagulat iyon ni Ryan.

“O bakit nandirito ka na? Akala ko bukas pa ang baba mo?” ang tanong ni Ryan.

Hindi na sumagot si Ace. Bigla na lamang niyang hinalikan sa mga labi si Ryan. Ilang minuto din ang tinagal ng halikan nilang iyon. Tapos ay niyaya ni Ryan si Ace na pumasok sa loob ng kanilang condo.

“Grabe namang pananabik iyan sa akin ah.” ang nabanggit pa ni Ryan bago na naman siya hinalikan ni Ace sa mga labi.

“I miss you a lot Pards.” ang paulit-ulit na binibigkas ni Ace habang nakikipaghalikan siya kay Ryan.

“Ilang araw pa lang naman tayo nagkakalayo. Tapos sobrang miss mo na ako.” ang nasabi naman ni Ryan habang patuloy pa rin ang kanilang halikan.

“I don’t want to loose you Pards. Hindi ko kaya ang mawalay sa piling mo.” ang nasabi na naman ni Ace habang matindi pa rin ang kanilang halikan ni Ryan.

“Hindi tayo magkakawalay magpakainlanman. Pangako yan.” ang pangako naman ni Ryan.

“Kahit na sa kabilang buhay?” ang tanong ni Ace.

“Pangako, hanggang sa kabilang buhay.” ang tugon naman ni Ryan.

“Sana magkita pa rin tayo hanggang sa kabilang buhay. Para doon natin ipagpatuloy ang ating pagmamahalang wagas.” ang nasabi naman ni Ace.

Nagpatuloy sa halikan ang dalawa habang papalapit sila sa kanilang kama. Bago sila tuluyang nahiga sa kama ay isa-isa nilang hinubad ang kanilang mga damit. Kapwa hubo’t hubad na ang dalawa ng mahiga sila sa ibabaw ng kama. Halos walang parte ng kanilang katawan ang nakaligtaan nilang halikan. Matindi din ang kanilang pagsuso sa ari ng isa’t isa. Grabeng ligaya ang naging dulot ng ginagawa nilang iyon sa bawat isa. Pati ang pagpasok ng kanilang ari sa likuran ay palit-palitan din nilang ginawa. Lahat na yata ng alam nilang makakapagpaligaya sa isa’t isa ay kanila ng ginawa. Labis-labis ang kanilang kasiyahang nadama ng matapos ang kanilang pagtatalik.

Marahil sa tindi ng kanilang romasahan ay nagdulot ito ng sobrang kapaguran sa dalawa. Ilang minuto din silang nahiga sa kama na magkayakap subalit wala ni isa man sa kanila ang ibig magsalita. Dahil sa katahimikan ng paligid ay tiyak na mararamdaman ng dalawa ang mga pintig na kanilang mga puso. Kung pati ang kanilang mga puso ay marunong magsalita tiyak na ang mga katagang ‘I love you so much’ ang paulit-ulit nitong bibigkasin kasabay ang mga pagpintig nito na nagsisilbing background music.

“Hanggang kailan mo ako mamahalin Pards?” ang tanong ni Ace na pumukaw sa kanilang katahimikan.

“Tinantanong pa ba yan. Syempre habang tayo’y nabubuhay, ikaw lamang ang aking pakamamahalin.” ang tugon naman ni Ryan.

“Sana hindi lamang habang tayo’y nabubuhay. Kung maaari ay hanggang sa kabilang buhay. Hanggang sa magpakailanman.” ang hiling naman ni Ace.

“Yun ba ang gusto mo? Pangako, hanggang sa magpakailanman. Hanggang sa kamatayan. Magkaroon man tayo ng ikalawang buhay. Mamahalin pa rin kita. Pangako yan.” ang sagot naman ni Ryan.

Biglang tumayo si Ace. Muling isinuot ang kanyang mga damit. Laking pagtataka ni Ryan ng biglang lumabas ng kanilang silid si Ace ng hindi man lamang nagpapaalam sa kanya.

“Saan ka pupunta?” ang tanong ni Ryan.

Parang hindi narinig ni Ace ang tanong ni Ryan. Tuluy-tuloy lamang siya sa paglabas niya sa kanilang silid. Laking pagtataka ni Ryan sa kakaibang inasal ni Ace. Kaya naman dali-dali siyang tumayo at nagbihis upang sundan si Ace. Paglabas niya ng kanilang silid ay hindi niya nakita si Ace. Sinubukan niyang lumabas sa kanilang condo unit, subalit wala na rin si Ace sa hallway at sa elevator lobby. Hindi mawari ni Ryan kung bakit biglang naging ganoon si Ace.

“Hello guard. Dumaan na ba dyan si Mr. Ace Barron?” ang tanong ni Ryan sa lobby guard ng tinawagan niya ito sa telepono.

“Hindi pa po. Teka po sir, dumating po ba siya kagabi?” ang tanong naman ng guard kay Ryan.

“Kanina lang siya dumating ah. Hindi nyo ba na-record ang kanyang pagpasok sa building?” ang tugon at tanong na rin ni Ryan.

“Wala po sa logbook namin. Sige po sir, itatanong ko kasamahan ko sa panggabing shift. Baka sya po ang nakakita pero hindi nai-log. Na-late po kasi ako kanina at siya muna ang nagpatuloy sa pagbabantay habang wala pa ako.” ang tugon naman ng guard kay Ryan.

“Sige, thank you na lang. Bye.” ang paalam ni Ryan sa kausap sa telepono.

Sinubukan ni Ryan na tawagan si Ace sa kanyang celfone. Subalit tila nakapatay ito o nasa lugar na walang signal. Ilang ulit niyang sinubukang tawagan sa celfone si Ryan. Pero talagang hindi nagri-ring ang celfone ni Ace.

Naupo sa sofa si Ryan upang muling gamitin ang landline sa pagtawag nito sa mga guard ng building. Malakas ang pakiramdam ni Ryan na nasa building lang si Ace. Pero kung saang parte ng building ay hindi mawari ni Ryan. Subalit talagang walang nakakita kay Ace sa pagdating niya sa building o kahit ang paglisan niya. Pati ang mga roving guard ay wala ding napapansin na isang lalaki na tugma sa description ni Ace sa ano mang parte ng building na iyon.

Comments

Scroll To Top