Babae sa Fire Exit

Dahil sadyang pilya ako at mabilis mabored, nagdecisyon ako na patulan ang makulit na si Allan. Nothing serious, just another game… Nasundan pa ng nasundan ang mainit na pagtatalik namin. M-W-F-Sunday kami magkasama hanggang madaling araw hanggang sa maging araw-araw na yun.

Sinusundo nya ako mula sa opisina. Pinagbawalan nya ako magyosi at uminom. Inangkin nya ang oras ko para mawalan ako ng panahon manlalaki. Daig pa nya ang seryosong boyfriend kung magselos at makipag away sakin. Nagsawa ako at ilang bese ko na sya ipinagtatabuyan pero makulit talaga sya.

Isa sa mga pinagaawayan namin ay ang hindi nya maintindihan kung bakit hindi ako makapag sabi ng “Mahal din kita” o “I love you too.” at hindi nya matanggap na isa lang laro at tawag lang ng laman ang SEX namin.

Isang gabi, matapos ng isang mainit na eksena sa gym, dumating ang asawa ni Allan. Nakatapis lang ako at noon at nasa instructor’s room ang lahat ng gamit ko na nakita ng asawa nya. Lumabas ako sa fire exit ng nakatapis lang at rinig na rinig ko ang pagbubunganga ng asawa ni Allan.

Inikot ko ang building at umabot naman ako sa bintana malapit sa instructor’s room. Pinipigilan ko ang pagtawa sa mga oras na yun habang pinakikinggang ang malakas na pagbubunganga ng misis nya.

Nang lumabas ang magasawa sa kwarto ay pumasok ako mula sa bintana, agad akong nagbihis. Napansin ko lang na wala ang bag ko kung saan naroon ang wallet, ID at cellphone ko kaya lakas loob kong hinarap ang nagwawalang babae para hingin ang bag ko.

Isang nakakatawang palabas kung issipin kaya nung sinampal ako nung asawa ni Allan, hindi ko na napigilan ang paghalakhak ko. Napahiya pa tuloy sya.

Basta, matapos nun… hindi parin mapigil si Allan at tuloy parin ang pagsisiping namin hanggang sa nagpunta na sya ng Dubai ngayon ay naguusap parin kami sa YM.

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top