Hindi Makalimutang Pagtatalik 3

Maya-maya ay nakita ko si Shiela na kausap ‘yung isang kaibigan niya habang ang ibang kasama nila ay bumalik na sa sayawan! Umalis ‘yung kaibigan niya. Inobserbahan ko si Shiela di-kalayuan mula sa kanyang kinauupuan. Hanggang sa bumalik uli ang kanyang kaibigan.

May inabot na kapirasong papel at ballpen kay Shiela. Tanaw ko siya habang nagsusulat. Pagkatapos binalik ‘yung ballpen sa kaibigan. Tinupi muna ang pinagsulatang papel at saka iyon inabot sa kaibigan.

Para sa akin ang sulat. Nakita agad ng kaibigan niya kung nasaan ako at pumunta sa kinauupuan ko. Paglapit ay inabot lang ang sulat sabay sabing pinabibigay ni Shiela sa akin at umalis na.

Tinanaw ko muna si Shiela bago ko binasa pero wala na roon sa kinauupuan niya. Hinanap ng mga mata ko at nakita kong palabas na sa sayawan at siguro pauwi na. Binasa ko kung ano ang kanyang sinabi sa sulat.

Namula ako pagkabasa sa kanyang sulat. Bale ganito ang nakalagay: “Ang lakas ng loob mo, `di ka naman pala marunong. `Di ganu’n makipag-sex.” `Yun lang ang kanyang sinabi. Hiyang-hiya ako sa aking sarili. Dahil sa kasabikan kong matikman kung paano makipagtalik ay nagmadali ako. Hayun bulilyaso tuloy. Nanghihinayang ako sa nangyari sa amin ni Shiela. Game pa naman siya. ‘Yun ang unforgettable first time ko.

Wakas!

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top