Ng Pag Uwi Sa Bahay 1

Hindi ko napansin na ito na pala yung huling stop at ang bababaan ko at ang  Mukhang dito rin siya bababa. Tumayo siya at napatingin sa akin. Tumayo rin ako kaagad at naunang lumabas sa kanya sa bus.

Pagbaba niya ay di man lang siya sumulyap sa akin pero dere-deretso ang papunta pasukan ng isang village. Sa sobrang nararamdaman kong ang kalibugan, imbes na sumakay ako ng dyip ay sinundan ko siya. Matagal ko rin siyang sinundan hanggang sa tumigil sa isang gate. Dito siguro sya nakatira.

Tumingin siya sa akin at binuksan ang gate at pero imbes na pumasok na siya ay nakatayo lang siya doon. Niyayaya ba niya ako papasok? Sumunod lang ako at pumasok. Saka lang niya isinara ang gate nung makapasok na ako. Napaisip na naman ako. Nananaginip ba ako?

Nawala ako sa pagkakatulala ng marinig ko ang pagbukas niya ng pinto ng kanyang bahay. Tumingin siya uli sa akin. Pumasok na ako sa loob ng bahay niya at saka niya isinara ang pinto.

Medyo maliit ang bahay niya pero mukhang ok lang sa kanya dahil parang siya lang ang nakatira dito. Inayos niya ang sopa at saba’y turo dito habang nakatingin sa akin.

Umupo ako sa sopa at saka siya pumunta sa isang pinto at parang kwarto niya ata. Habang meron siyang ginagawa sa loob ay ngayon ko lang napansin na di niya pa ako kinakausap kahit isang beses. Pipi ba siya? Pero mukhang saleslady siya ng SM kaya malabo naman yun.

Itutuloy…

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top