Sa Pamilya Nagumpisa 3

Pahakbang na ko sa unang baitang ng maramdaman ko ang ingay ng isang bumukas na pinto, dali dali akong umatras sa pag aakalang baka bumaba ang sinumang nagbukas ng pinto. Sa katarantahan dahil kumpirmado na pababa ang tao na nagbukas ng pinto ay lumundag ako papunta sa banyo na knugnog lamang ng kusina. Iniwanan ko ng awang ang pinto ng banyo upang di lumikha ng ingay at masilip na din kung sino yong bababa.

Naramdaman ko ang pagbaba ng may ari ng mga yabag, ngunit di mapalad ang puwesto ko upang masipat kung sino ang bumaba. Suwerte ko dahil sa dakong kusina ang tungo ng may ari ng yabag. Kumubli muna ako sa pintuan ng banyo ng maramdaman ko na malapit na siyang dumaan sa harapan ko upang makatiyak na di niya ako mapapansin. Ng matiyak ko na nakalampas na siya, dahan dahan akong sumilip mula sa pintuan. Laking gulat ko sa aking namalas,,, nanuyo ang aking lalamunan sa nakita ng aking mga mata….

Wakas!

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top