Si Wally

Nag-aagaw ang dilim at liwanag nang sumakay ang dalawa sa kotse ni Glo. “Saan mo ba talaga ako dadalhin?” nalilitong tanong Angela.  “Sa hot spring. Hi hi hi. Joke lang… basta relaks ka lang diyan… ako ang bahala. Fasten your seatbelt ha!”

Ilang minuto lang ang nakakalipas ay nasa labas na sila ng Maynila. Tahimik na binabagtas nila ang kahabaan ng North Expressway nang mapansin ni Glo ang isang humahagibis na L-300 na nakabuntot sa kanilang likuran.

Nilingon ni Glo ang pinsan na nakaupo sa kanyang tabi. Napailing ang dalaga nang makitang tulug na tulog ito. Nagulat na lamang ang dalaga at naalimpungatan si Angela nang makarinig sila ng isang malakas na kalabog mula sa likuran ng kanilang kotse sanhi ng malakas na pagbunggo.

 

 

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top