Townhouse Part 3

Napa-idlip ako ng ilang oras at nagising bago pa man lumubog ang araw, dito ay nagsimula na akong gumayak. Sinadya kong maging maaga upang magkape na muna sa lobby sa ibaba bago ako tumungo sa ospital na pinapasukan ng aking asawa at sunduin siya.

Ilang minuto pa lamang ang lumipas mula ng ako’y maupo sa isang lamesa sa kapihan ay tila nabuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita. Unti-unting nabuo ang multo sa aking isipan nang aking masilayan ang kanyang kagandahan. Si Regina.

Hindi ako nagulat sa kanya, kinabahan ako dahil sa mga narinig ko kanina sa kanilang unit. Eto siya at papalapit, isa lang ang ibig sabihin nito, may tao talaga kanina sa kanilang unit.

“Regina?” pagtatakang tanong ko sa dalaga.

“oh hi kuya Bogs!” masayang bati ng dalaga.

Sinukat ko ang sitwasyon, pinilit kong alamin o imbestigahan kung naroon ba siya sa kanilang unit kanina nang ako’y hindi nabubuking.

“oh akala ko umuwi ka sa province nyo?” tanong ko.

“ah bumalik din ako agad kuya, dami kasi tumawag na photographers, sayang din ang raket hihi” paliwanag naman niya.

“ah ganun ba, e kelan ka pa bumalik?” tanong kong muli.

“noong isang araw lang, bakit na-miss mo ba ako?” biro pa niya sa akin.

Hindi ko alam kung ilang segundo akong hindi nakapagsalita. Hindi ko alam kung tatanungin ko na ba kung siya ang nasa loob ng kanilang silid kaninang nagkakantutan kami ni Carina. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang kanyang mga nakita kung sakali mang naroon nga siya. Kilala niya si Carina sigurado dahil ilang beses na din niya itong nakita sa aming unit lalo na noong naroon pa si Kat.

“oh e saan ka galing ngayon pala? may lakad ka ba? si Vanessa nandyan na din ba?” sunud-sunod kong katanungan sa dalaga.

“kuya are you ok?” pagtataka niya.

“ha eh, oo ok lang ako, nasobrahan yata ako sa kape hehe” biro ko na lamang.

Nag-ibang bigla ang kanyang mga tingin, naging nakakalibog muli. Hindi ako tinablan nito, una ay hindi naman siya kasing galing ni Carina kung mang-akit, pangalawa ay narito pa din sa aking dibdib ang kaba.

“I know nabitin ka kuya the last time nating magkita hihi” bulong pa ng dalaga.

Pinili kong ibahin ang topic dahil hindi ito ang tamang lugar para sa pakiki-apid sa iba. Madaming nakakakilala sa akin dito mismo sa aming building at hindi maaaring mabahidan ng kung ano ang aking pangalan. Tanging malambing na ngiti na lang ang aking isinukli sa tangka niyang pang-aakit. Nilisan ko ang coffee shop at nagtungo na sa ospital upang sunduin si misis.

“kumusta babe?” tanong ni misis sa akin habang sabay kaming kumakain ng hapunan.

“ayos naman ako babe, ikaw? pagod ka ba today?” malambing ko din namang wika.

“medyo babe, pass muna tayo ngayon?” pabiro pa niyang tugon.

“ha eh ikaw?” sagot ko.

“wehhh..nakadalawa daw kayong round kanina eh haha!” bulalas ni Angel sa akin.

Halos mahulog ako sa aking upuan at muntik ko nang maibuga ang tubig na aking iniinom sa narinig. Alam palang lahat ni Angel ang mga nangyayari kahit wala siya sa aking paningin.

“I actually called her kanina to be with you babe, gusto ko kasing paligayahin ka kahit wala ako sa tabi mo” paliwanag pa ni Angel sa akin.

“ikaw talaga babe, full of surprises!” sabay tawa ko nalang.

“uhm, gusto mo pa ba ng surpresa? hihi” siwalat niya.

Kahit na naka-aircon kami ay alam kong butil-butil na pawis ang lumabas mula sa aking mukha.

itutuloy…

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top