Townhouse Part 9

“eh pahinga na muna ate” malamyang sagot ni Kat.

“nako..may lakad sana yan, kaso nga maagang umalis si Mulong” sabat ni byenan.

Nanliit ako sa aking kinauupuan. Ako pala ang dahilan ng kanyang kalungkutan. Sana’y naisip ko na kanina pa ang kanyang kaligayahan, hindi yung pansariling luho ko lamang.

“ikaw Bogs, tsk…Kat gusto mo lumabas?” tanong ni misis.

“uhm, eh baka magtext si Carina mamaya e” sagot ni Kat.

“so? edi isama natin, tayo lang tatlo” istriktong tugon ni misis.

Wala akong magawa, hindi ko nagawang umapila. Alam kong penalty ito sa akin ng aking asawa. Alam kong may kasalanan ako sa kalungkutan ng aking magandang hipag. Tinangka kong humirit pa.

“baka gusto nyo ng driver?” hirit ko pa.

“no Bogs, stay with our baby sa condo. I can drive” masungit na sagot sa akin ni Angel.

Naisin ko mang ipaglaban ang aking pagiging isang asawa ay hindi ko na itinuloy upang hindi na humaba pa ang usapan. Kahit minsan ay hindi pa kami nag-aaway ni Angel at ayokong mangyari iyon dahil halos lahat siguro ng alas ay hawak niya. Oo hari nga ako, reyna siya, pero parang chess ang laban, siya ang may kapangyarihan.

“bihis na Kat, sama kana muna sa condo doon na natin hintayin si Carina kung sasama siya” bilin pa ni misis.

Tahimik akong naging tsuper pauwi ng aming condo. Naiwan naman sa bahay ng aking byenan ang aming anak dahil naglambing yata sa lola. Perpektong pagkakataon sana ito upang gumimik, ngunit dahil sa aking ginawa kanina e kailangan kong pagdusahan ang aking nagawang kasalanan.

“Bogs akina susi ng car” masungit na wika ni misis.

Nagpa-awa effect pa ako upang baka sakaling magbago ang kanyang isip. Pero kilala ko itong si Angel, kung ano ang una niyang sinabi ay hanggang huli yun ang mamumutawi.

“maupo kana muna dyan sa sofa Kat at magsho-shower lang ako, i-text mo na si Carina ha” bilin ni misis.

Tahimik ang paligid, binuksan ko ang telebisyon upang magkaroon ng ingay. Ayoko kasing sobrang tahimik dahil kung ano-anong bagay ay dumadapo sa aking isip. Itinalaga ko na lamang ang aking isipan na hindi talaga ako makakasama dahil sa aking parusa. Hindi naman ako pwedeng magsolo sa paglabas dahil wala akong sasakyan at gagamitin nga ng aking asawa. Matutulog na lang ako siguro, sabi ko pa sa aking sarili.

“kuya…” mahinang wika ni Kat nang ako’y tatayo na sana at papasok na sa aming silid upang itulog na lang ang aking hinanakit.

“oh?” sagot ko na parang suplado na din.

“kuya sorry ha…di ko expected na magagalit sa iyo si ate” paliwanag ng dalaga.

“ah hindi, hindi naman galit yan, gusto ka lang niya makasama at pasayahin, don’t worry ok lang ako” sagot ko naman.

“uhm, nagustuhan mo ba yung six natin kanina?” sabay ngiting matipid ni Kat.

“oo naman, thanks din ha, pinagbigyan mo ako” wika ko.

Minarapat kong ituloy na lang ang pagtulog, siguro bukas pag-gising ko ay maayos na ang lahat.

itutuloy

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top