Totoy Part 2

Totoy Part 2.

Di pa rin maalis sa isip ko ang ngiti. Aminado akong sa tagal kong kaharap ang notebook ko, ni wala pa sa kalahati ang nasasagutan ko. Naalala ko pa rin ang mga nangyari kanina. Sinalat ko ang mga labi ko, first kiss ko ang ginawa nyang paghalik sa akin bagamat di sinasadya. Di man ito ang pinapantasya kong maging first kiss ko, nagulat pa rin ako sa tindi ng epekto. Nakaukit pa rin ang maamo nyang mukha sa isipan ko, ang lambot ng katawan nya, at ang boobs. Ganun pala un, ang lambot, ang sarap hawakan. Napangiti ako sa naisip ko. Nagpasya na akong itigil na ang ginagawa ko. Sa estado ng pagiisip ko, malamang walang mangyayari sa assignment ko. Baka maidrawing ko pa ang mukha ni Marie. Mangongopya na lang ako. Napatingin ako sa relo.

“Hmm, Dong-Yi.”

Dali dali akong pumunta sa kwarto upang kumuha ng barya. Mas masarap manuod ng may pinapak ka. Lumabas ako ng bahay. Di pa ako nakakalayo ng may narinig akong parang nag kakasiyahan.

“Tulong !.” boses matanda.

“Oh no!. Not Again!” parang alam ko na ang nangyayari. Diyata’t may nangangailangan na naman ng tulong ko?.

May nagtawanan. Sinundan ko ang ingay. Napunta ako sa likod bahay ni Ka Isko.

“Sayaw!” malakas na sabi ni Isko sa matandang sa malas ay sya ata ang gustong gawing ka table.

Nakita ako ng matanda sa pinagtataguan ko. Parang nakikiusap ang mga mata nya.

“Pag sinabi kong sayaw, sasayaw ka !.” sabi muli ni Isko sabay tadyak sa sikmura ng matanda.

Di pa sya nakuntento, muli nyang sinipa ang pobre. Nagtawanan ang mga kainuman nya. Namilipit sa sakit ang matanda. Muli, tumingin ito sa pwesto ko at parang nag makaawa. Bumuka ang bibig ngunit walang salitang namutawi. Tinayo ni Isko ang matanda. Kinuha nito ang pitsel na may tubig at unti unting binuhos sa ulo ni tatang. Di ko na natiis ang mga pangyayari. Lumabas na ako sa pinagtaguan ko. Bahala na.

“Hello guys!. Mukang may hapi hapi na naman ah?. Pwede ba arbor ko na si tatang.? Sinubukan kong makiusap sa ungas. Tumingin lang sakin si Isko at ngumisi.

“Hoy Totoy, umuwi ka na at baka ma T-spin kita.” Muli nitong inasikaso si tatang. Nagtawanan ang mga kolokoy. Di ako nawalan ng pag asa.

“Hey Guys, I want to share you something. Alam nyo bang buntis si lola Paula? And guess who’s the father? Sirit na?.. Walang iba kundi si ISKO!” sinubukan kong asarin sya baka sakaling tumigil.

Tumahimik ang lahat. Tinitigan lang nila ako. Akala ko di bebenta ang joke ko. Pero bigla silang naghagalpakan ng tawa. Namula sa galit si Iskong Tiger. Sinalya nya ang matanda sa lupa at dumampot ng basyo ng bote. Binato nya to sakin. Kitang kita kung panu lumipad sa ere ang bote. Ang di ko maintindihan ay parang napakabagal ng pagdating nito. Ng eksaktong tatama na sa maamo kong mukha ang bote, inilag ko ang ulo ko. Lumampas lang ito. Nagulat sila sa nagawa ko. Pati ako na amaze. Ngumiti ako ng matamis kay Iskong Tiger.

“Galing noh?.” Pang aasar ko pang lalo.

Sumugod si Isko. Sumunod ang mga kasama nya. Humanda na ako para masaktan. At least worth it kasi tumulong naman ako. Napalibutan na ako ng apat. 4v1 ang laban, di patas. –switch dapat isa. Pero alam ko walang lilipat. Shop ata sila. Naramdaman kong parang may mananakit sa likod ko. Naiwasan ko ito ng di tinitingnan. Parang napakabagal ng mga pangyayari. Slow motion sila. Nararamdaman ko ang mga galaw nila. Di ko maintindihan ang mga nagaganap. Pero di ko na ito pinansin at lumaban na lang.

Lumipas ang tatlong minuto at lahat sila nakatumba na sa lupa. Nanatili akong nakatayo, ni walang sugat o galos. Hindi man lang ako napagod. Ngumiti ako sa nagawa ko. Tinitigan ko si Isko.

“Ano?. Pag bilang ko ng 5 at nandito pa rin kayo.. pasensyahan na lang.” pananakot ko.

Di pa ako nagsisimulang magbilang. Nag-unahan na sa pagtakbo si Iskong tiger pati mga dabarkads nya. Ako ang nagwagi sa clash. Naalala ko si manong. Nilingon ko sya. Nakahandusay pa rin ito sa sahig, hawak ang tyan na sinipa ni Isko kanina.

“Ok lang ba kayo manong?. Tanong ko..

“Salamat iho. Ok na sana eh.. medyo masakit lang etong sikmura ko.. ang galing ng ginawa mo.”

“Ah yun po ba?.. galing ko noh?.

“Uu, imba ka boy.”

“hehe.. may masakit po ba?”.

“eto ngang tyan ko.. paulit ulit?.., kaya mo bang gamutin to?”

“Ho?.. Di po ako doktor o manghihilot..”

“Subukan mo lang.. nagawa mo nga yung kanina eh..”

Mukang trip talaga ako ni tanda. Pagbibigyan ko na nga toh. Hinawakan ako ang tyan ni manong.

“Oh ayan tatang.. Ok na ba?” tanong ko.

“Masakit pa rin..subukan mo ulet.. isipin mo na gagaling ako.. hilingin mo sa sarili mo na mawawala ang sakit na nararamdaman ko.. mag concentrate ka sa mga kamay mo.” Paliwanag nya.

Comments

Scroll To Top