Ang Pulis na Matulis

Ang Pulis na Matulis.

Kalilipat lang ng magpinsang Erick at Jonna sa isang apartment sa may Sampaloc. Nasa loob ito ng isang compound at last door ang nakuha nilang apartment. May kalumaan na ito. Yari naman ito sa semento kaya matibay at maayos pa. Hindi tulad ng karamihang apartment na malapit dito na yari sa kahoy ang ikalawang palapag. Kaya naman napili nilang magpinsan iyon ay mukhang secured naman ang apartment na iisa lamang ang gate na pasukan. Kung may magtatangkang pumasok at magnakaw dito ay mas uunahin pang pasukin ang pinakaunang apartment sa tabi ng gate at pang-anim na pito pa ang sa magpinsan.

Nabanggit din kasi ng may-ari ng apartment sa kanila na isang pulis yung nangungupahan sa ika-limang pinto na katabi nila. Mas nagustuhan nila tuloy ang apartment na iyon dahil madali silang makakahingi ng saklolo sa pulis na kapitbahay nila kung sakaling may gagawa ng masama sa kanila sa loob ng apartment o kahit sa may labasan na rin.

Sa callcenter parehong nagtatrabaho ang magpinsan pero sa magkaibang kumpanya. Minsan sabay ang pasok nila. Minsan naman ay magkaiba. Kung di magkasabay ang schedule ng dalawa ay halos hindi sila nagpapang-abot sa apartment. Dahil na rin sa schedule ng uwi nila ay halos hindi sila nakikita ng iba pang nangungupahan doon. Pati ang kanilang kapitbahay na pulis ay hindi pa rin nila nakikilala.

Isang umaga sa pag-uwi ni Erick sa apartment ay nakilala nya na rin sa wakas ang pulis na kapitbahay nila.

“Boss, ikaw ba ang bagong nangungupahan dyan?” ang tanong na narinig ni Erick pagtapat niya sa ikalimang pinto na apartment.

Napatigil si Erick sa tapat ng pinto na natatabingan lamang ng screen door. Bigla itong bumukas. Isang malaking lalaki ang nagbukas dito. Nabigla si Erick hindi dahil sa tanong nito o takot sa boses nito. Kundi dahil naka-brief lamang ito ng puti.

“Opo. Ako po ang isa sa mga nangungupahan dyan.” ang tugon ni Erick na hindi malaman kung saan ibabaling ang mga mata.

“Tahimik dito at safe na safe. Tama lang ang napili ninyong apartment.” ang nabaggit naman ng lalaking nagtanong kay Erick.

“Sabi nga po ng may-ari.” ang maikling nasabi ni Erick.

“Ako pala si Ryan. Pulis ako. Kadarating ko rin galing duty.” ang pakilala ng lalaki kay Erick.

“Erick naman po ako.” ang pakilala naman ni Erick.

“O bakit may po pa. Hindi naman tayo nagkakalayo ng edad.” ang nabaggit ng pulis.

“Sige Ryan. Matutulog muna ako. Wala pa akong tulog kasi.” ang paalam ni Erick.

“Pareho lang pala tayo. Ayan nga at nakalatag na ako ng banig sa sala. Matutulog din ako. Mainit na kasi sa itaas.” ang sabi naman ng pulis kay Erick.

Kaya naman pala naka-brief lang ang pulis ay matutulog din siya sa may sala nila at mainit naman talaga sa loob ng apartment kahit na may electric-fan. Tuluyan ng nagpaalam si Erick sa pulis na kapitbahay at pumasok na sa inuupahang apartment.

Kahit na puyat si Erick ay hindi siya tuluyang makatulog ng mahimbing. Pilit sumasagi sa isipan niya ang ayos ng pulis niyang kapitbahay ng makausap niya ito. Hindi niya matandaan ang mukha nito. Tanging ang magandang hubog ng katawan ng pulis ang naaalala niya at ang suot nitong brief. Tandang-tanda din niya ang brand ng brief ng pulis na Jockey. Nang makatulog na si Erick ay naging laman din ng kanyang panaginip ang bago niyang kakilalang kapitbahay na pulis.

Batid ni Erick na may kakaiba siyang nararamdaman sa kapwa niya lalaki. Subalit pilit niya itong nilalabanan dahil ayaw niyang mabuko ang tunay niyang pagkatao sa kasamahan niyang pinsan sa apartment na iyon na si Jonna na magiging daan din upang malaman ng kanyang pamilya sa probinsya. Tatlo na kasi ang anak ni Erick sa probinsya. Nagihintay na lamang siya ng bakasyon sa eskwelahan ng panganay niyang anak upang madala na niya ang buong pamilya niya sa Manila. Iyon din ang dahilan kung bakit siya kumuha na ng apartment.

Kinahapanunan sa paggising ni Erick ay nakaramdam siya ng pagkauhaw sa malamig na softdrinks. Kaya naman nagtungo siya sa pinakamalapit na sari-sari store.

“Isang 12 ounces Coke nga po.” ang sabi ni Erick sa tindero.

“O Erick, anong oras ang pasok mo?” ang tanong ng isang mama na nakatayo sa may bandang likuran ni Erick.

Hindi agad nakilala ni Erick ang lalaking ito. Naptingin muna ng halos isang minuto si Erick sa lalaking nagtanong sa kanya bago niya ito nakilala.

“Uy, ikaw pala Ryan. Mamaya pa akong 7pm aalis. 9pm pa naman ang time-in ko.” ang tugon ni Erick.

“Boss, heto na po ang Coke nyo.” ang sabi ng tindero kay Ryan sabay abot ng bote ng Coke.

“Ganun ba. Sige isasabay na lang kita pag-alis ko. Saan ka ba nawo-work?” ang tanong ni Ryan.

“Dyan lang sa San Juan.” ang tugon ni Erick.

“Tamang-tama. Doon din ako naka-assign sa isang police station doon.” ang sabi naman ni Ryan.

Comments

Scroll To Top