Townhouse Part 5

Townhouse Part 5 That Mini Heart Attack.

Bahagyang tumigil ang pag-ikot ng aking mundo noong mga sandaling magkaroon ako ng lakas ng loob upang tanungin kung ano ang gusto ng aking asawa na matagal ko nang iniisip. Hindi ito pagtigil ng mundo kung saan ang isang manliligaw ay sasagutin na ng kanyang iniirog, bagkus ay pagtigil kung saan maaaring katapusan na ng aking pinaka-iingatang yaman. Magkahalong kaba, takot, at panghihinayang ang aking naramdaman.

Kontrolado ni Angel ang sitwasyon, alam nya ang kanyang ginagawa o iniisip nang mga sandaling binitiwan ko ang mga katanungang maaaring makapagpabago ng aming relasyong mag-asawa.

Nagpatuloy sa paghagod sa aking titi ang aking asawa na tila hindi yata narinig ang aking katanungan na kung ano ba talaga ang nais niya para sa aming mag-asawa. Noong una kong narinig sa kanya iyon ay isa lang ang pumasok sa aking isipan, ang kahilingan niyang magpatikim sa ibang lalake.

“you really wanna know babe? hihi” biro niyang muli na tila hindi big deal ang aking katanungan.

“…uhm…” himig ko na lang.

“look babe, mukhang takot ka yata? haha! ano ba bakit parang namumutla ka?” patuloy niya.

Tahimik pa din ako ng ilang sandali, naghihintay sa kanyang mga kasagutan at kalinawan sa isyung bumabagabag sa aking isipan. Lumapit siya, hawak pa din ang aking sandata ay inilapit niya ang kanyang mukha at itinutok sa aking tenga ang malambot niyang mga labi.

“babe…” pauna niyang wika.

“…babe, ang gusto ko e…” pabitin pa niyang panimula..

Nanlambot ang aking ari kahit na hawak pa din niya ito at hinahagod. Nawala ang aking likas na libog dahil sa sobrang kaba. Para akong nabingi sa bawat tibok ng aking puso, lalo na nang kanyang sambitin ang ilang mga kataga.

“babe ko…alam mo ba kung ano ang gusto ko? siguradong masasarapan ka sa gusto ko babe..promise ko makakatulong ito sa atin…” pagpapatuloy nya ng may halong lambing na boses.

Inilabas nya ang kanyang dila at pinasayad ito sa bukana ng aking tenga. Lambing na may halong landi. Tumaas ang aking balahibo sa mga ginagawa ng aking asawa. Pilit ko iwinawaksi ang mga kaba na aking nadarama. Pilit kong inihanda ang aking sarili sa kung ano mang kanyang hilingin na wala akong magagawa kundi sumang-ayon. Ang ilang sandali at segundong lumipas ay tila isang oras sa aking pag-iisip. Nagawa kong bumuo ng ilang imahinasyon sa aking isipan, na kung ano na ang magiging estado namin sa kanyang mga sasabihin, kung matitiis ko bang kantutin ng ibang lalaki ang aking mahal na asawa, kung magiging habit na ba namin ang maging isang mapaglarong magkapareha, kung magiging mas masarap ba ang aming buhay-sekswal kung magiging mas bukas ang aming isipan.

“babe…halika na…gusto ko e ang matulog na…hihi” wika ng aking asawa.

“ha?” sagot ko pa.

“oo babe, yun ang gusto ko, masarap matulog kasi pagod na talaga ako babe..hihi..halika na balik na tayo sa room natin” paliwanag pa ni Angel.

Napakamot ako sa aking ulo, gusto kong pigain baka nagpapalusot lang ang aking asawa. Pero huwag na muna. Alam kong may nilalaman ang kanyang mga sinambit, alam kong naghihintay din ng pagkakataon itong aking kabiyak kung kelan niya ilalahad ang tunay niyang hinaing.

“lika na babe…huy…ikaw lagi kang tulala..pagod lang yan babe, itulog mo na yan” patuloy niya.

Kibit-balikat akong sumunod sa kanya sa loob ng aming silid at tunay nga ang kanyang sinabi. Ilang saglit lang kasi mula nang mahiga sa unan ay nagsimula nang maghilik ang aking asawa sa sobrang pagod kanina. Kung totoong yung ang sasabihin niya ay nagpapasalamat ako. Kung ipinagpaliban lamang niya e paghahandaan ko na sa susunod na pagkakataong buksan muli naming dalawa ang tungkol dito.

Kinabukasan ay medyo sumigla na ang aking katawan. Siguro ay napawi na din ang aking mga gulo sa aking isipan. Maagang umalis upang muling pumasok sa trabaho ang aking asawa. Hindi na siya nagpahatid dahil siguro nakita niyang mahimbing pa ang aking tulog dala ng pagod kahapon. Nag-iwan na lamang siya ng note sa ref namin na nagsasabing day-off daw ng yaya ng aming anak ngayon kaya’t ako ang magsisilbing yaya ngayong araw.

Habang tulog pa ang bata, tumungo ako sa aking laptop. Naglibang sandali sa aking mga paboritong website. Hindi ko maiwasang bisitahin din ang mga pahina ni Carina sa facebook. Dito ay muli kong sinilip ang kanyang mga larawan. Hindi “daring” ang mga pananamit ni Carina sa facebook. Kahit na alam ko na ang itsura ng kanyang katawan sa ilalim ng mga damit niya ay labis naman talaga akong namamangha sa kanyang mga magagandang kasuotan. Kung pwede lang talagang magkaroon ng isa pang asawa ay siya na ang aking pipiliin.

Ilang scroll down, aking nakita ang post ni hipag. Tila isang hudyat sa aking isipan na kailangan ko siya. Nagpasya akong bumisita kila byenan kung saan naroon na si hipag. Alam kong dayoff niya dahil nakita kong nagpaskil siya sa pahina ni Carina na may lakad daw sila mamayang gabi matapos siyang magpahinga.

Comments

Scroll To Top